BULONG NA LAMANG SA HANGIN
BULONG NA LAMANG SA HANGIN
E. Garcia
Araw noon ay sumilay, Nakita mukha mong
maamo.
Dumampi init ng araw, ngiti’y hindi nagbabago.
Nangako kagaya ng ginagawa nila, nangakong
hanggang sa huli.
Tulad ng ihip ng hanging hindi
mahuli-huli, kailangan bang may magwagi?
Bigla na lang hindi na naintindihan
pag-ibig na napagkasunduan.
Gusto na nating kuhanin kanya-kanyang mga
daan.
Ayaw nang pagmasdan mga larawang maliliit
na inipit,
Pag-iisip ay iba na kaysa sa dati, huwag
na lang ipilit.
Ngayon tayo’y
magkalayo ano pa nga bang magbabago?
Inisip at sinuri ngunit hahantong naman
talaga dito.
Tinatangi ko dati, ngayon ay nasa malayo.
Pinagluluto ka dati, ngayon ay hindi na
kasalo.
Kung sakaling iyong maisip minsan,
Iisang tala at buwan lang ang ating tinitignan.
Sadyang hindi lang talaga siguro para sa
atin,
Pag-ibig na maibubulong na lamang sa
hangin.
Kapag malalim na ang gabi at wala akong
katabi,
Naaalala ko ang palagi mong sinasabi dati.
Pag-ibig daw at pangako ay magkasama, ‘di ba?
Pero bakit tayo ay hindi nito naisalba?
Dumadaan ang mga araw, palagi pa ring
nakikita
Mga bakas mo at amoy para bang nasa aking
kama.
Lambot at higpit ng iyong mga yakap minsan
ay gustong madama,
Tapos na nga pala ‘yong kwento nating maganda.
Ngayon tayo’y magkalayo ano pa nga bang magbabago?
Inisip at sinuri ngunit hahantong naman
talaga dito.
Tinatangi ko dati, ngayon ay nasa malayo.
Pinagluluto ka dati, ngayon ay hindi na
kasalo.
Kung sakaling iyong maisip minsan,
Iisang tala at buwan lang ang ating tinitignan.
Sadyang hindi lang talaga siguro para sa
atin,
Pag-ibig na maibubulong na lamang sa
hangin.
Comments
Post a Comment