Posts

Showing posts from May, 2020

BULONG NA LAMANG SA HANGIN

BULONG NA LAMANG SA HANGIN E. Garcia Araw noon ay sumilay, Nakita mukha mong maamo. Dumampi init ng araw, ngiti ’ y hindi nagbabago. Nangako kagaya ng ginagawa nila, nangakong hanggang sa huli. Tulad ng ihip ng hanging hindi mahuli-huli, kailangan bang may magwagi? Bigla na lang hindi na naintindihan pag-ibig na napagkasunduan. Gusto na nating kuhanin kanya-kanyang mga daan. Ayaw nang pagmasdan mga larawang maliliit na inipit, Pag-iisip ay iba na kaysa sa dati, huwag na lang ipilit. Ngayon tayo ’ y magkalayo ano pa nga bang magbabago? Inisip at sinuri ngunit hahantong naman talaga dito. Tinatangi ko dati, ngayon ay nasa malayo. Pinagluluto ka dati, ngayon ay hindi na kasalo. Kung sakaling iyong maisip minsan, Iisang tala at buwan lang ang ating tinitignan. Sadyang hindi lang talaga siguro para sa atin, Pag-ibig na maibubulong na lamang sa hangin. Kapag malalim na ang gabi at wala akong katabi, Naaalala ko ang palagi mong sinasabi dati. ...